Stepped System of Care - Filipino
About this resource
Pinagsama ng National Eating Distorders Collaboration (NEDC) ang dalawang dekada ng sektor at consensus
ng karanasan at pag-unlad ng serbisyo upang maging modelo ng yugto-yugtong sistema ng pangangalaga para
sa mga sakit sa gawi sa pagkain (eating disorders) (Bilang 1). Layunin ng modelo na ipakita ang mga bahagi
na dapat makuha sa isang epektibong sistema ng pangangalaga para sa mga eating disorder. Ang mga taong
dumaranas o nanganganib magkaroon ng isang eating disorder, at ang kanilang mga pamilya/suporta at
komunidad ay maaaring mangailangan ng pag-access sa isang hanay ng iba't ibang serbisyo, sa iba't ibang antas
ng katindihan o kadalasan, sa buong panahon ng pagkakasakit (o panganib ng pagkakasakit) at paggaling. Ang
pagsulong sa mga yugto ay hindi panay pa-diretso lang, at ang isang tao ay maaaring mangailangan ng paulit-ulit
na paggamot at suporta, sa iba't ibang antas sa yugto-yugtong sistema ng pangangalaga at mula sa iba't ibang
mga tagapagbigay ng serbisyo.